Header Ads

Kaanak, tagasuporta giniit ang hustisya para sa pinaslang na kadeteng 23-anyos

Photo source: facebook.com/JusticeForJRMovement

MAMBURAO, OCCIDENTAL MINDORO—Nasa 400 kaanak, kaibigan at mga concerned citizens ang humugos sa lansangan ng Mamburao, Occidental Mindoro ngayong araw, Apr. 18, at nanawagan ng hustisya para sa kabataang 23-anyos na umano’y pinaslang ni Nestor Tria, board member o bokal sa lalawigan, at kanyang mga kasamahan.
Sa kanilang inilunsad na “March For Justice and Prayer Rally,” nagmartsa ang mga demonstrador sa JP Rizal St. sa Mamburao at tumungo sa Kapitolyo ng lalawigan kung saan sila naglunsad ng maiksing programa.
Ayon sa mga nakasaksi ng brutal na pagpaslang, binugbog si Reynaldo Timenia, Jr., o mas kilalasa pangalang Jay-Ar, hanggang mamatay, gabi ng Marso 8, nina Tria and kanyang mga kasamahan. Matapos ito, paulit-ulit na pinagulungan ng sasakyan ang si Jay-Ar ng isang SUV na minamaneho umano mismo ni Tria.
Dinala nina Tria ang mga labi ni Jay-Ar sa ospital pagkatapos, kung saan siya ay nakumpirmang dead on arrival.

Photo source: facebook.com/JusticeForJRMovement

Sasampa na sana si Jay-Ar bilang seaman apat na araw na lamang mula nang siya ay mapaslang. Magdiriwang na rin sana si Jay-Ar ng kanyang ika-24 na kaarawan kung hindi maagang nawakasan ang kanyang buhay ng naturang karumal-dumal na insidente.
Ayon kay Jennifer Timenia, ina ni Jay-Ar at residente ng Mamburao, tinatangka umano ng mga awtoridad na pagtakpan ang click here to read more >>


Walang komento