Mag-aasawa ka ng Seaman? Siguraduhin mo lang na strong enough ka to be their wife
Sa una ang sarap ng feeling pag kasal na kayo halos di mo maiisip yung nakaambang mabibigat na responsibility na kakaharapin mo ..May magsasabi pa pag may ALLOTMENT KANA MASAYA KANA PERO D PERA ANG KATUMBAS NG LAHAT.
THINK ABOUT THIS:
1. handa ka naba maging single parent para sa mga anak ninyo?
2. handa ka ba na sarili mo lang magiging katuwang mo sa lahat ng bagay lalo pag onboard si mister?
3. Ikaw lahat, wala ka magiging katuwang sa lahat ng bagay.
4. Gustuhin mo man siya makapiling hindi pwede kasi kailangan niya magtrabaho para sa future ng pamilya ninyo.
5. Mga gabing gustuhin mo man ng katabi..internet at cellphone lang ang pwede mong kunin kasi dun mo lang siya pwede kausapin.
6. Maghihintay ka ng ilang araw ulit pag underway na sila kasi kailangan lumipat ng port minsan aabutin ng 15 days o higit pa. swerte mo kung ilang araw lang o mas maswerte ka kung bago ang barko nila tapos may wifi.
7. Kaapg buntis ka naman ihanda mo ang sarili mo na manganganak ka ng wala siya. kasi kailangan magtrabaho para makaipon kayo ng pangpanganak, maswerte ka kapag palabas palang si baby anjan na siya. Kadalasan kasi ilang buwan o taon na bago sila magkakakilala.
8. Kailangan mo masanay na sa SAYANG DULOT NG PAGDATING NIYA, GANUN NALANG KABIGAT KAPAG AALIS NA.
9. Kailangan mo iready sarili mo na minsan maswerte na ang 5 buwan na kayo ang magkasama.
10. Pag nakakarinig ka ng kanta lalo yung "MAGKABILANG MUNDO" at "MAGHIHINTAY AKO" anjan ung may mangaasar na kaibigan mo at kusa nalang tutulo ang luha mo kasi maaalala mo siya.
11. Araw araw iisip ka ng mga ppwede mong gawin wag mo lang mapansin ang mga araw na lumilipas.
12. Handa ka dapat pasayahin siya kahit pagod na pagod ka na kasi un lang ang time ninyong dalawa para sa isat isa.
13. Handa ka dapat mapuyat para lang makausap mo ang marino mo.. yun lang kasi ung way para yung lungkot na nararamdaman mo at pagkamiss mo sakanya mapawi kahit kaunti.
14. Kung anung sinarap ng pakiramdam at doble dobleng kaba pag sinundo mo na siya, mas tripleng bigat ng nararamdaman mo pag kailangang ihatid mo na siya ulit, masaya magsundo, napaka bigat sa loob maghatid.
15. Kailangan ready ka sa posibilities na ppwede siyang di makauwi sa eksaktong kontrata niya kasi kailangan mag extend dahil walang kapalitan.
16. Kung wala ng pera o anu paman wag pilitin silang umalis o sumampa agad, kasi yan lang yung time niya na makasama kayong pamilya niya, kailangang tulungan mo siya kaya ka nga niya naging asawa.
17. Kailangan mo intindihin siya lalo kapag nakatulog na pagkatapos ng duty niya, kailangang lawakan mo ang pasensiya at pangunawa mo kasi hindi madali ang trabaho sa barko.
18. Kailangan mo masanay sa maririnig mo na chismis na mayaman na kayo kasi seaman ang asawa mo.
19. kailangan mo magtipid wag ubos biyaya kasi pinagpapawisan yan ng bawat marino makapagpadla lang ng pera sa pamilyang naiwan dito.
20. Kapag nagkasakit ka kailangan mo magpagaling ng sarili kasi sila nga sa barko walang doktor anu kapang andito sa PILIPINAS?
21. Yung napaparanoid ka kakisip lalo pag nagbiyahe na sila kailangan mo magdasal na pakaingtan sila at ilayo sa TUKSO.
22. REALIZE things kung bakit kailangan niya lumayo at mag sakripisyo, para din yan sainyo.
23. Ihanda mo rin ang sarili mo na baka pag umuwi sila di sila kilala ng anak ninyo kasi mas kadalasang wala sila dito.
Ngayon sabihin niyo nga madali ba magmahal ng SEAMAN? Its a very difficult task. May kasabihan nga, "ONLY A STRONG WOMAN, CAN LOVE A SEAMAN". You have to be strong enough. FACE the CONSEQUENCES, TRIALS mahalin mo siya, INGATAN, ALAGAAN, IPAGDASAL, pagkatiwalaan hanggaat kaya mo, magtatagal kayo.
Credits: Roxanne Astillero Jao
Post a Comment